TNT, nalusutan ang SMB sa Game 1 ng semifinals; 89-88

Wagi ang TNT Tropang GIGA kontra San Miguel Beermen sa Game 1 ng 2021 PBA Philippine Cup semifinals series na nagtapos sa 89-88.

Umiskor si Roger Pogoy ng conference-high na 23 points, ngunit ang dipensa niya talaga laban sa sana’y game-winning shot Marcio Lassiter ang nagpapanalo sa TNT sa mga huling segundo.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Naitala naman ni Poy Erram, sa kabila ng foul trouble, ang 15 points, habang nag-ambag naman si Jayson Castro ng 16 points, 6 rebounds at 6 assists.

Sinabi ni TNT coach Chot Reyes na inutos niya sa players na pigilan ang mga tira ng kalaban, habang iniiwasan ang foul.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Ipinunto rin niya na inatas niya sa limang players ang pagkuha sa rebound.

Ipinaliwanag ni Chot na kinailangan nilang gawin ito lalo na at kaharap nila ang SMB na tinukoy niya bilang pinakatalentadong kuponan sa buong liga.