Tiyuhin patay sa pananaga, suspek ang dalawang pamangkin
Patay ang 64 anyos na lalaki nang tagain ng kanyang dalawang pamangkin kahapon ng umaga October 7, 2021 sa Purok Silangan Bgy.Conception, lungsod ng Puerto Princesa.
Kinilala ang biktima na si Prodencio Mijarez Hugo, may-asawa, land caretaker nakatira sa nabanggit na lugar.
Batay sa ulat ng PNP, dakong 11:00 ng umaga kahapon naganap ang insidente kung saan sumugod na may dalang itak ang dalawang suspek na nakainom sa lugar na binabantayan ng biktima.
Nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa pagtatagain ng mga suspek ang kanilang tiyuhin.
Nagtamo din ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima partikular sa bahagi ng ulo at tiyan na agarang ikinamatay nito.
Agad na nahuli ang dalawang suspek na kinilala na sina Romel Hugo Sican 34 anyos, mangingisda at Rene Hugo Sican 29 anyos , construction worker na pawang residente ng Bgy. Conception.