Tindero ng isda sa Albay, nanalo ng  P64M sa grand lotto 6/45

LEGAZPI CITY – Matagal ng pangarap ng isang tindero ng isda sa Albay na magkaroon ng sariling bahay.

Dahil dito natupad rin ng tindero ang kanyang pinapangarap na magkaroon ng bahay matapos manalo ito ng P64 milyon sa Grand Lotto 6/55.

Read More:  Two Davao Mighty Steel workers test positive for high radiation exposure, NBI says

Sa inilabas ng pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office, sinabing tumama ang tindero sa Grand Lotto 6/55 draw na ginanap noong Enero 15, 2022. Ang naturang winning combination ay 39-29-09-21-19-20, at may kabuuang premyo na P65,991,571.00.

Read More:  DOJ recommends charges against police officer over Tacloban school shooting gun

Nang kubrahin ang kaniyang premyo sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong, sinabi umano ng tindero na may anim na anak, na nangungupahan lang sila kaya plano niyang bumili ng kanilang bahay.