Presyo ng diesel posibleng tumaas ng mahigit P12.00 kada litro sa susunod na linggo

Tiyak na aaray na naman ang mga motorista dahil sa naka-ambang super bigtime oil price hike sa susunod na linggo.

Ayon kasi sa pagtataya ng Unioil Petroleum Philippines maaaring tumaas ang presyo kada litro ng diesel ng P12.20 hanggang P12.30 habang P6.80 hangang P7.00 naman sa kada litro ng gasolina.

Read More:  Palace slams VP Sara’s Marcos cha-cha claim as ‘fake news’

Ang mga projection ng presyo ay batay sa data ng kalakalan ng langis sa Mean of Platts Singapore o MOPS.

Nabatid na ang mga lokal na industriya ng langis ay gumagamit ng MOPS, ang pang-araw-araw na average ng lahat ng mga transaksyon sa pangangalakal sa pagitan ng bumibili at nagbebenta ng mga produktong petrolyo.

Read More:  Yellow and red alert status in Luzon grid further Extended

Karaniwang nag-aanunsyo ang oil firms ng mga pagbabago sa presyo tuwing Lunes at nagpapatupad ng mga adjustments sa Martes.