Bilang ng mga Pilipino na umalis sa Ukraine nasa 309 na

Tumaas na sa 309 na mga Pilipino ang umalis sa Ukraine mula nang magsimula ang armed conflict sa pagitan ng Russia at silangang European state.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, 150 na ang nakauwi at 159 ang inilikas sa mga karatig bansa, habang 23 pa ang inaasahang darating.

Read More:  Prosecutor Terry Ridon gets stern warning over alleged sub judice violation

Patuloy naman ang paghikayat ng Department of Foreign Affairs sa mga Pilipino sa Ukraine na mag-ingat at manatiling mapagbantay, at agad na makipag-ugnayan sa mga Embahada ng Pilipinas sa Warsaw at Budapest sakaling mangailangan sila ng anumang tulong.

Ayon sa United Nations, humigit-kumulang 2.5 milyong katao na ang tumakas sa Ukraine mula nang sumalakay ang Russia dalawang linggo na ang nakararaan.

Read More:  Marcos laughs off Sara Duterte’s claim that administration is blocking 2028 elections

Sinabi rin ng UN Refugee Agency, na ang bilang ng mga internally displaced na tao sa Ukraine ay hindi bababa sa 1.85 milyon, habang 12.65 milyon pang mga tao ang direktang naapektuhan ng labanan.