Tindahan ng Lechon Manok sa Iriga City, na hold-up

NAGA CITY- Sa halip na pera ang hugutin sa bulsa matapos na mag order ng lechon manok, baril ang itinurok sa mga crew sa Iriga City.

Sa ulat ng Iriga City Police Station, nangyari ang pang hohold-up  bandang alas 10:50 ng gabi sa  Highway 1 Brgy San Isidro. Kung saan dalawang lalaki ang nag order ng kalahating lechong manok nang magbabayad na tinutukan ng baril ang dalawang crew na mga residente ng Nabua, Camarines Sur.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Nag deklara ng hold-up ang dalawa at natangay ang P7, 000.00  na cash. Tumakas ang dalawa patungo sa direksyon ng Baao sakay ng itim na motorsiklo.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PLt. Belle Cereno, tagapagsalita ng Iriga CPS, sa kanilang masusing imbestigasyon, mayroon na silang persons of interest.