Tinatayang P7 milyong halaga ng suspected cocaine, nakitang palutang lutang sa dagat ng Rizal Palawan

Nadiskubre ng pulisya ang pinaghihinalang cocaine sa Barangay Taburi Rizal, Palawan.

Iniulat ng Rizal PNP na kahapon ay ipinaalam ng isang barangay kagawad ang insidente, na mayroong mangingisda ang nakatuklas sa isang salvage package sa karagatan noong ika- 7 ng Nobyembre 2022.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Ito ay agad na inimbestigahan ni Palawan Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PMAJ. ROMERICO REMO kasama ang Rizal PNP sa pangunguna ni PMAJ. THIRS STARKY B. TIMBANCAYA.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Ang package ay nakabalot ng scotch tape na tumitimbang ng isang kilo at ito ay pinaghihinalaang ilegal na droga na may tinatayang P7,000.000.00 na halaga.