Pinaniniwalaang Rocket Debris ng China, natagpuan sa karagatan ng Busuanga Palawan

Naalarma ang Lokal na Pamahalaan ng Busuanga Palawan matapos matagpuan sa karagatan ng munisipyo ang mga pinaniniwalang debris ng China Rocket.

Ayon kay Busuanga Information Officer Jonathan P. Dabuit, ang mga debris ay natuklasan sa karagatan ng Barangay III kamakailan.

Read More:  4 killed, 17 injured after truck crashes into tree in Southern Leyte

Ang insidente ay agad nakarating sa alkalde at sa kabatiran ng Provincial Board maging sa Local Authorities.

Kaugnay nito, hiniling ni Board Member Juan Antonio Alvarez na maimbestigahan ng Western Command ang insidenteng ito matapos niyang ipresenta sa mga miyembro ng Provincial Board ang mga larawan.

Read More:  Loud sound at Isulan school was not gunfire, Governor says; faulty wiring suspected

Samantala, iniulat rin na may mga nakita ring debris sa Occidental Mindoro.