Tinatayang 245 PDLs, nakatakdang palayain ng BuCor

Hindi bababa sa 245 na mga persons deprived of liberty (PDLs) ang nakatakdang i-release ngayong araw mula sa mga pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor) sa buong bansa.

Ayon kay BuCor Public Information Office (PIO) head Corrections Chief Insp. Sonny del Rosario, as of March 17 ay nasa 245 na ang bilang ng mga PDLs na nakalista para sa release, ngunit maaari pa umano itong madagdagan.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Ibinahagi ni Del Rosario na gaganapin ang culminating activity para sa release ng mga PDLs sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Aniya, dadaluhan ang naturang aktibidad nina  Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla, Chief Public Attorney Persida V. Rueda-Acosta, at BuCor Acting Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr.

Samantala, bukod sa naturang bilang, magugunitang nakapagpalaya na rin ang BuCor ng 416 inmates noong February 20.