Sinelyuhan ng Minnesota Timberwolves ang pagpasok nito sa play-in tournament matapos talunin ang San Antonio Spurs 127-121.
Binuhat ni Anthony Edwards ang Timberwolves matapos humakot ng 49 points, 6 rebounds at 8 assists.
Nag-ambag din sa panalo si Karl Anthony Towns ng 21 points at 13 rebounds para masiguro ang 7th spot sa NBA standing.
Nanguna para sa Spurs si Keldon Johnson na may 20 points, 6 rebounds at 5 assists.
Dahil sa pagkatalo sumadsad sa 10th place ang San Antonio sa kanilang 34-46 win loss record subalit may tiyansa pa rin itong makapasok sa NBA playoffs kung mananalo ng dalawang sa play-tournament.