Gulayan sa barangay, patok!

SORSOGON CITY – Naging mabunga ang pagsusumikap ng isang barangay matapos na makapag-ani na ito ng mga gulay sa proyektong gulayan.

Sa pahayag sa Brigada News ni Guinlajon Brgy. Captain Ramon Noga Jr., sinabi nito na nakakita sya ng oportunidad sa mga bakanteng lupa sa lugar kung kaya’t naisipan nya ang inisyatibang pagtatanim ng mga gulay katuwang ang mga benepisyaryo ng DOLE-TUPAD.

Read More:  Army soldier, wife killed after Bacolod family dispute

Nakiusap umano ang Kapitan sa mga may-ari ng lupa ngunit dalawang lote lamang ang pumayag, isang aabot sa 250 square meters na pinagtamnan ng repolyo, at ang lupang pag-aari ng Guinlajon Elementary School, na may humigit-kumulang 2,700 square meters para sa okra, sitaw, at repolyo.

Read More:  Mayon gas emissions reach 26-year high, raising risk of explosive activity

Sa kasalukuyan, nakapag-ani na ng aabot sa 200 kilo ng repolyo na ibinenta naman sa halagang P50.00 bawat kilo. Daing naman ng opisyal na nahihirapan umano silang i-market ang mga gulay, dagdag pa ang problema sa pagkakabulok dahil sa pabago-bagong panahon.