TikTok accounts ng ilang BINI members, na-ban

Lumapit na ang girl group na BINI sa TikTok para tulungan silang ma-recover ang mga banned accounts ng mga members ng grupo.

Ngayong araw kasi, napansin ng fans na ang account nina Aiah, Colet, Maloi, Stacey, Gwen, Mikha, at Sheena ay banned sa naturang platform.

Sa inilabas na pahayag ng Star Magic at BINI, sinabi ng mga ito na nagpapatuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa TikTok para sa verification ng social media profiles ng group members.

Mababatid na noong lamang June 11, ipinagdiwang ng BINI ang ika-3 nilang anibersaryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *