Posibleng pagpapalitan ng trabahador ng mga POGO, sinisilip na ng PAOCC

Inihayag ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC na tinitingnan nila ngayon ang posibilidad na nagpapalitan ng mga trabahador ang mga Philippine Offshore Gaming Operator o POGO sa bansa.

Sa Saturday News Forum, sinabi ni PAOCC spokesperson Dr. John Casio na natuklasan nila ang mga ID ng mga trabahador ng POGO sa Porac na una nang nahuli sa iba pang ni-raid na POGO hub sa ibang lugar.

Anya, una nila itong napansin sa Hong Sheng o yung POGO na nag rerenta sa property ni Bamban Mayor Alice Gou, kung saan ilan sa mga trabahador na nahuli rito ay nadakip na rin sa raid sa Hong Tai POGO sa Las PiƱas.

At ngayon ay may nakita ring mga ID sa Lucky South 99 POGO sa Porac, na una na ring nahuli sa Hong Sheng at Zun Yuan POGO sa Bamban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *