Thunderstorm o pag-uulan na may kasamang kulog at kidlat, posibleng maranasan dulot ng matinding tag-init — Weather forecaster

NAGA CITY — Posibleng makaranas ng thunderstorm o pag-uulan na may kasamang kulog at kidlat kapag lumala pa ang  init na nararanasan ngayon. Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni weather forecaster Mike Padua kaugnay nang matinding tag-init. Ayon kay Padua, basehan nito ang posibleng pagtaas  ng water vapor sa atmosphere kapag matindi ang init ng panahon, dahil dito namumuo ang mga kaulapan na posibleng maging ulan na may kasamang kulog at kidlat. Sa Barangay Liboton Naga City, nakapagtala ang naturang weather bureau ng nasa 43. 7 degree celsius na heat index, pinakamataas, nitong nakalipas na linggo. Samantala, ngayong susunod na buwan, inaasahan na rin ang panaka-nakang pag-uulan dahil sa pagpasok ng Agua de Mayo. Sa ngayon, ibayong pag-iingat at pag-iinom ng tubig naman ang paalala sa publiko upang maiwasan ang heat stroke.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *