Ipapanukala ng Thailand’s public health minister ang pagbabalik sa mandatory quarantine para sa foreign visitors, dahil sa banta ng pagkalat ng Omicron variant ng coronavirus.
Ang panukala ay magbabasura sa kasalukuyang quarantine waiver para sa vaccinated visitors at ibabalik sa hotel quarantine at ang “sandbox” program, na nagpapahintulot sa free movement sa loob ng specific location.
Ang pahayag ni public health minister Anutin Charnvirakul ay matapos ang ilang linggo nang muling buksan ng Thailand ang kanilang borders para sa foreign visitors, matapos ang 18 buwan ng mahigpit na entry policies, na naging dahilan ng pagbagsak ng kanilang turismo.

Pagbabahagi ni Anutin, nadetect na ng Thailand ang nasa 63 katao na infected ng Omicron variant, kung saan may isang local transmission.