Tuluyan nang in-expel si Arnolfo ‘Arnie’ Teves bilang Kinatawan ng 3rd Distrcit ng Negros Oriental.
Sa botong 265 yes, 0 no’s, at tatlong abstain – in-adopt ng House of Representatives ang naging rekumendasyon ng House Ethics ang Privileges Committee na ipa-expel si Teves.
Ayon sa Chairperson ng Ethics Panel na si COOP-NATCCO party-list Rep. Felimon Espares – ang naging basehan ng kanilang rekumendasyon ay ang patuloy na absence without leave ni Teves.
Ilan din sa mga naging basehan nito ay ang ‘di umano’y disorderly behavior ni Teves; at ang paglabag nito sa code of conduct ng Kamara.
Itinuturing daw na ‘abandonment of public office’ ang naging hiling ni Teves na political asylum sa Timor-Leste.
Isa rin umanong ‘indecent behavior’ ang ginawa niyang pagsasayaw-sayaw nang naka-boxer at sando sa social media.
Kung maaalala, bago ito ay dalawang beses nang napatawan si Teves ng 60-day suspension.
Nanindigan naman na ang kampo ni Teves na hindi ito uuwi ng bansa hanggat mayroon pa raw banta sa kaniyang buhay.
Ito ay matapos siyang madawit sa Degamo slay case.
#