Teves, kinu-konsidera na umanong isa sa posibleng mastermind sa pagpatay kay Gov. Degamo

Kabilang si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. na kinikonsidera sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa.

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nang tanungin siya tungkol sa utak ng krimen.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Sinabi ni Remulla na naniniwala siyang maaaring mayroong hindi bababa sa dalawa o tatlong mastermind na sangkot sa kaso.

Una nang itinanggi ni Teves ang naiulat na pagkakasangkot niya sa kaso ng pagpatay sa Gobernador.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Samantala, inaasahang ilalabas ng DOJ panel of prosecutors sa Biyernes ang resolusyon sa multiple murder at multiple frustrated murder na mga reklamong inihain laban sa anim na iba pang suspek na iniharap para sa inquest proceedings noong nakaraang Huwebes.//CA