Mahigit 76% ng mga mangggagawa sa gobyerno, nakakatanggap pa rin ng sweldo na mas mababa sa living wage

Sa kabila ng pagtataas ng sweldo sa gobyerno na ipinatupad sa mga nakaraang taon, mahigit 76% ng mga manggagawa ang nakakatanggap pa rin umano ng sahod na mas mababa sa living wage.

Sinabi ni Alliance of Concerned Teachers Chairperson Vladimer Quetua na ang ilang government employees ay binabayaran ng ₱13,000 hanggang ₱33,59, na mas mababa sa living wage level na ₱1,146 kada araw o ₱34,380 kada buwan.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Idinagdag pa niya na sa Department of Budget and Management Staffing Summary for 2020, 76% o mahigit isang milyong mga empleyado sa ilalim ng Salary Standardization Law V (SSL V) ang nakatanggap ng unlivable salaries.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Sa bilang na ito,  92% ay mga guro sa pampublikong paaralan.//CA