Pinalawig ng Vietnam ang mga restriksyon nito laban sa COVID-19 sa loob ng karagdagang dalawang linggo, kasunod ng paglulunsad ng mga otoridad ng plano nito na ipasuri ang hanggang 1.5-million na tao.
Ito ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng infections sa higher-risk areas ng capital na Hanoi.

Mababatid na hinati ng nasabing Southeast Asian country ang nasabing lungsod sa red, orange, at green zones base sa infection risk na meron ito.
Sa isang pahayag ay ipinaliwanag ng mga otoridad na kailangan ng mga tao sa red areas na manatili sa loob ng kanilang bahay habang kailangan naman magpasuri ng isang tao sa bawat bahay ng tatlong beses kada linggo.
Base naman sa mga litratong na-post sa social media at kuha ng media outlets ay makikita na nakahiwalay ang red zones sa iba pang mga lugar sa pamamagitan ng mga itinayong barikada.