GCQ with Heightened restrictions sa Naga City , extended nanaman

NAGA CITY- Napahaba pa ang General Community Quarantine with Heightened Restrictions  sa Naga City hanggang sa Setyembre 30 , sa huling quarantine classification na inilabas ng Interagency Task Force sa Region 5 tanging Naga ang nasa nasabing klasipikasyon.

Nitong weekend lamang nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 ang lungsod ; 88 noong Sabado, 47 naman nitong Linggo, 28 nitong Lunes.

Read More:  Two college students found dead after Cagayan de Oro house fire

Sa ulat sa COVID-19 ng Department of Health Bicol, sinabi ni Dr. Maria Teresa Daluro, Regional epidemiologist ng DOH na  mataas ang positivity rate ng Naga nito lamang nagdaang linggo.

Read More:  107 residents evacuate after Taal volcano eruption triggers ashfall in Batangas

Sa mahigit 430 na naipadalang swab samples mahigit 214 dito ang positibo sa sakit.

Gayunpaman sinabi ni Daluro na hindi niya matumbok ang rason nito hanggat wala pang resulta ng analysis ng data.