Inaasahang sa unang linggo ng buwan ng Hunyo ang pamamahagi ng mga sentinel pigs sa mga magiging benepisaryo na naaepktuhan ng ASF sa lambak ng Cagayan sa oras na makumpleto na ang mga requirements mula sa supplier.
Ayon kay DA Region 2 Director Narciso Edillo, nagkaroon na ng bidding at ang supplay ay mangagaling sa dalawang farm sa Region 2 taliwas sa inisyal na pagkukunan sana ng suplay sa Ilocos Region dahil umano sa mataas na presyo bukod pa sa idagdag na feeds na kayang i-cover ang apat na buwan.
Ayon pa sa kaniya, dahil magmumula sa rehiyon ang mga baboy ay hindi na isasailalim sa quarantine ang mga baboy.
Tiniyak naman niyang sumailalim sa masusing pagsusuri ang mga baboy upang masigurong walang kontaminasyon ng ASF bago ito ipamahagi sa mga hog raisers.
Samantala, tiniyak din ng DA Region 2 na kanilang tutulunagn ang mga LGUs na nagkukulang na ang pondo dahil sa pagtugon sa ASF.