TESDA, suportado ang panukalang pagi-incentivize sa mga kumpaniyang magha-hire ng mga dating drug dependents

Suportado ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang isinusulong ni Senator Jinggoy Estrada na Senate Bill 2276 na mabebenipisyuhan ang mga dating guumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay TESDA Deputy Director General Aniceto “John” Bertiz, sinabi nito na sa ngayon ay mayroon na silang program na kahalintulad nito ngunit mas mapapalakas pa ito kung tuluyan nang maisasabatas.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Nakasaad sa panukalang batas ni Sen Jinggoy na dapat magkaroon ng Technical-Vocational Education and Training (TVET) program ang TESDA para sa mga rehabilitated drug dependents.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Kaungyan nito, katuwang ng TESDA ang Department of Labor and Employment (DOLE) na siya namang magbibigay ng incentives sa mga establishemento na tatanggap sa mga drug dependents na nakatapos sa programa ng TVET.