Inihahanda na ng Department of Social Welfare (DSWD) ang pagpapatupad ng Emergency Cash Transfer program para sa mga bakwit ng Bulkang Mayon sa Albay.
Ang implementasyon nito ay pinagpulungan na ng DSWD Bicol Regional Office at iba’t ibang Local Social Welfare Development Offices (LSWD) ng mga local government units.

Ayon sa DSWD, makatutulong ito sa mga evacuees na matugunan ang pangangailangan sa pang araw-araw sa panahon ng disaster response phase.
Plano na rin ng DSWD at LSWDO ang pagsasaayos ng camp coordination at camp management upang masigurado ang kaligtasan ng mga naapektuhan ng kalamidad.//MKCJ