TESDA Provincial Training Center itatayo sa Mobo, Masbate

SORSOGON CITY – Isinagawa na ang groundbreaking ceremony noong Miyerkules sa 2.3 ektaryang lote na donasyon ng LGU sa Brgy Lalaguna sa nasabing munisipyo.

Pinangunahan mismo ni TESDA Director General Isidro Lapeἡa at ng alkalde ng nasabing bayan na si Raymond Salvacion ang groundbreaking ceremony.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa bisa ng Resolution No. 45-2020, naibigay ng LGU ang lote sa TESDA na gagamitin para sa pagtatayo ng 3 palapag na edipisyo.

Itinuring ng alkalde na isang malaking oportunidad para sa mamamayan ng Mobo ang pagtatayo ng TESDA training center. Magbibigay umano ito ng bagong oportunidad at pag-asa sa mga indibidwal na hindi nakapagtapos ng kolehiyo na makahanap ng maayos na trabaho at mapagkakakitaan.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Nagpasalamat naman si Secretary Lapeἡa sa suporta ng LGU sa tulong nito sa pagpapatupad ng lahat ng programa ng kanilang ahensya.