TESDA ibinahagi ang mga serbisyo ng ahensya sa Zambales

Nagsama-sama ang iba’t ibang sektor mula Olongapo hanggang Sta. Cruz, Zambales sa kauna-unahang Employment Summit ng Zambales Association of PESO Managers, Inc o ZAPMI na isinagawa kahapon sa SMX Convention.

Kabilang sa mga pinag-usapan dito ay ang kung paano masosolusyunan ang problema sa job-skills mismatch at pagpapaganda ng sistema ng trabaho sa buong probinsya.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Umabot sa mahigit 70 ang mga naging partisipante mula sa mga LGU, sektor ng edukasyon, Project Hope, mga PESO Managers at mga representante sa iba’t ibang kompanya.

Kabilang rin sa importanteng bahagi ng summit ay ang pagbuo ng Employment Steering Committee mula sa mga participants na sya namang nanguna sa pagbalangkas at pag-apruba ng mga resolutions na ipapadala sa mga local at regional offices ng DOLE, TESDA, DEPED at mga Local Government Units para sa posibleng information, adoption o policy program creation.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

PHOTO: Olongapo PESO Manager Mario Esquillo