Tesda-Bicol, inabisuhan ang publiko kaugnay sa mga pekeng National Certificates na ibinibenta online

BICOL – NAGBABALA ngayon ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA kaugnay sa lumalaganap na panloloko sa internet gamit ang pangalan ng kanilang ahensya.

Nakarating na kasi sa kaaalaman ng TESDA, ang modus ng ilang mga kawatan kung saan lantaran na ang pagbebenta ng mga pekeng National Certificates online.

Abiso ng TESDA-Bicol, hindi lehitimo ang NC1 at NC2 certificates kung ito ay nabili lamang.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ang isang isang indibidwal lamang na nakapasa lamang sa competency assessment ang ‘entitled’ para magawaran ng nasabing mga sertipiko.

Tanging sa mga TESDA Regional at Provincial Offices lamang din dapat makipag-ugnayan ang publiko para makuha ang kanilang mga National Certificates.

Ang mga naglipanang mga grupo sa facebook ay hindi umano konektado sa TESDA kung kayat hindi dapat tangkilikin o makipag transaksyon sa mga indibidwal na nasa likod niyo dahil maliwanag na ito ay uring ng “scam.”

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa huli, nanawagan ang ahensya sa publiko na makipag ugnayan sa kanilang tanggapan o tumawag sa TESDA hotline number 8887-7777 upang tuluyan nang masugpo ang mga kawatang nananamantala ng kapwa lalo na ngayong panahon ng krisis at pandemya.