Nasa kabuoang 36,040 doses ng COVID-19 vaccine ang dumating sa Isabela Integrated Provincial Health kahapon, September 24, 2021.
Ito ay binubuo ng 27,000 doses ng Sinovac, 2,340 doses ng Pfizer at 2,000 doses ng Gamaleya Sputnik V Component II.
Kabilang din sa natanggap ng IPHO ang 5th tranche ng AstraZeneca na binili ng pamahalaang panlalawigan na 4,700 doses.
Samantala, nasa 359 na mga indibidwal ang nabakunahan ng Moderna vaccine kahapon ng IPHO.
Muling hinikayat ng pamahalaang panlalawigan ang mga Isabelinos na hindi pa nababakunahan na magpabakuna na sa oras na dumating na ang kanilang schedule upang makamit ng lalawigan ang target na herd immunity.