Muling isinusulong ni Senador Robinhood Padilla ang ilang mga pagbabago sa Konstitusyon ng Pilipinas.
Sa pagkakataong ito – pina-aamiyendahan ng Senador ang ilang mga political provisions.
Sa iallim ng kaniyang panukala – gagawin nang 54 ang miyembro ng Senado; 24 dito ang ihahalal at large; habang 30 ang pagbobotohan sa mga legislative regions.
Ang mga Senador na mahahalal ‘at large’ ay magkakaroon ng walong taong termino; habang ang mga regional senators ay mayroong 4 year terms.
Isinusulong din ang joint-candicacy ng Presidente at Bise Presidente kung saan ay magkakaroon sila ng apat na taong termino, at hindi hihigt sa dalawang beses na pagkakaluklok.
