Terminal ng Yellow Bus sa Koronadal, ipinasara sa umano’y kawalan ng business permit

KORONADAL CITY — KAWALAN ng business permit ang dahilan ng City Government of Koronadal kung bakit ipinasara ang private terminal ng Yellow Bus Lines Incorporated o YBLI na makikita sa GenSan Drive, Koronadal City.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay City Mayor Eliordo Ogena, sinabi nito na mula 2019, hindi nag-comply ng business permit ang YBLI sa kabila ng apat na notice of closure at cease and desist order.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Paliwanag ng alkalde na malaking paglabag ito sa Local Revenue Code at Zoning Ordinance ng lungsod dahilan upang ipasara ito.

Nilinaw naman ng alkalde na isang ordinaryong hakbang lamang ito ng city government laban sa mga negosyo sa Koronadal na patuloy ang operasyon sa kabila ng kawalan ng business permit.

Read More:  Man found handcuffed, tied inside septic tank in Davao City

Nagkataon lamang umano na malaking negosyo ang kanilang ipinasara sa ngayon.

Dagdag pa ng alkalde na hindi dapat pinipili ang pagpapatupad ng batas sa Koronadal.