DILG, pumalag sa nagsasabing ‘malamya’ kampanya sa iligal na droga ng administrasyon

Pinagtanggol ni Interior Secretary Benhur Abalos ang administrasyong Marcos kaugnay sa ipinatutupad nitong kampanya kontra ilegal na droga.

Ito ay kasunod ng kritisismo mula kay Senador Bato dela Rosa, na nagsabing masyadong mahina at malamya ang bagong kampanya kontra sa mga sindikato.

Read More:  Marcos pushes waste-to-energy program as flooding exposes Philippines’ garbage problem

Paliwanag naman ni Abalos, nakapag-usap na sila ng mga senador, at nakapagbigay na umano siya ng kasiguraduhan na ang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga ay mananatiling malakas gaya ng nakaraang administrasyon.

Sa isang interview, sinabi rin ng Interior Secretary na hindi lamang drug suspects ang hahabulin ng PNP, kund ‘di maging ang mga tao nagpoprotekta sa mga ito.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Ibinida rin ni Abalos ang nasabat nilang ilegal na drogang nagkakahalagang P10 billion worth simula noong July ng kasalukuyang administrasyon.

Matatandaang si Dela Rosa ang siyang namuno sa Philippine National Police nang mangyari ang madugong Oplan Tokhang sa ilalim ng Duterte Administration.