Pinagbibitaw ni Mon Tulfo ang kapatid nitong si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo.
Ayon sa Facebook post ni Mon, hindi na dapat pang manatili sa pwesto si Erwin kung hindi rin naman napahahalagahan ang mga ginagawa nito para sa ahensya.
Bukod dito, nakasaad din sa naturang post ang dalawang beses na pagharang ng Commission on Appointments kay Erwin dahil sa kasong libel at sa issue ng pagiging American citizen.
Dagdag pa ni Mon, kay Erwin ibinabato ng mga tinatamaan ni Tulfo sa senado ang galit at pagganti, kasabay ng pagsisiwalat ni Tulfo ng mga napupunang anomalya sa senado.
Matatandaaang una nang sinabi ni Senate President Migz Zubiri na malabo nang makalusot pa si Erwin Tulfo sa CA dahil sa conviction nito sa libel.
Iimbitahan din umano ang ilan pang mga Mahistrado para talakayin naman ang legalidad ng US Citizenship ng Kalihim.
READ MORE:
