Ibinahagi ni bagong Defense Secretary Gibo Teodoro na ang marching order sa kaniya ni Pangulong Bongbong Marcos ay ang pagtutok sa pensyon ng mga military and uniformed personnel (MUPs).
Ayon kay Teodoro, pinasisiguro sa kaniya ng pangulo na sa loob ng kaniyang unang 100 araw – dapat ay maasikaso na ang mga reporma sa military pension.
Aniya, ipagpapatuloy niya ang pag-aaral nang mabuti sa MUP pension nang sa gayon ay hindi rin naman makawawa’t mawalan ng morale ang ating kasundaluhan.
Samantala, siniguro rin ni Teodoro na mananatili ang polisiya ng bansa pagdating sa mga pinag-aagawang teritoryo sa Sotuh China Sea.
Aniya, hindi mababago ang pagsunod ng Pilipinas sa ruling ng UNCLOS at po-protektahan ang territorial integrity ng bansa.

Sa kabila niyan, wala pa rin umano sa opsyon ng Gobyerno ng Pilipinas na makipag-away sa iba pang mga claimants.
Samantala, naibahagi rin ni Teodoro ang umano’y magiging plano para sa appointment ni dating officer-in-charge senior Usec. Carlito Galvez.
Sabi ng Kalhiim, mayroon daw planong ilagay si Galvez sa iba pang ‘cabinet-level’ position, pero hahayaan na raw niya ang pangulo na ianunsyo ito. //LGD, edited MHEL PACIA