Inamin ni Sunshine Cruz na nawala ang tiwala at respeto sa relasyon niya kay Macky Mathay.
Limang buwan matapos pumutok ang balitang break na sila, nagsalita si Sunshine na piniling manahimik noon dahil mayroong mga batang involve sa kanilang relasyon.
Hindi man nagbigay ng detalye si Sunshine tungkol sa hiwalayan nila ni Macky, inamin niyang nawala ang tiwala at respeto sa relasyon nila.

Ayon pa kay Sunshine, gaya noong sila pa ng dating asawa na si Cesar, ninais din niyang tumanda sana kasama si Macky.
Dagdag pa ng Underage actress, baka may ibang plano ang Panginoon sa kanya.//CA