Pinabibilis na ng Department of Public Works and Highways- Bataan 2nd District Engineering Office ang konstruksyon ng 22-room covid-19 modular facility sa Mariveles Mental Wellness and General Hospital sa Bataan.
Ito ay para madagadagan pa ang bilang ng mga hospital beds sakaling kailanganin muli.
Aabot ng 23.85 bilyong piso ang halaga ng bagong pasilidad at mayroon itong maayos na ventilation systems, oxygen lines, nursing stations at pantry para sa mga medical frontliners.
Samantala, naniniwala ang opisina na mainam na may standby facility ang rehiyon para maiwasan ang kakulangan ng pasilidad sakali mang magkaroon muli ng maraming kaso ng virus transmission.//Arjay Supe-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: DPWH Regional Office 3
