CAMARINES NORTE – Lifted na ang ipinatupad na temporary suspension sa pagbiyahe ng mga maliliit na sasakyang pandagat na ipinatupad ng Philippine Coast Guard sa karagatang sakop ng Camarines Norte simula noong Miyerkules.
Batay sa pinaka latest na notice to mariners na ipinalabas ni LT Ronnie Rey Pabico, Acting Station Commander ng PCG Camarines Norte, pinapayagan nang maglayag ang mga bangkang 250 gross tons pababa epektibo nitong Linggo, January 28.
Kasunod yan ng public weather forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o Pagasa Daet Station na wala nang nakataas na gale warning sa karagatang sakop ng lalawigan.
Nagpasalamat naman si Pabico sa kooperasyon ng mga nagmamay ari ng maliliit na sasakyang pandagat.
Pero kahit wala nang nakataas na gale warning, pinapaalalahanan pa rin ang mga mangingisda na maliliit ang bangka nang ibayong pag- iingat.
Kapag ganito kasing panahon ng amihan ay kadalasan talagang malakas ang dagat kahit walang gale warning.
