Sumailalim sa rescue at scuba diving training ang mga technical staff ng CENRO Masinloc, DENR-PENRO, BFAR, MENRO Palauig at USAID technical staffs.
Ito ay para mas maging epektibo sa pagtupad sa kanya-kanyang mga tungkulin sa pangangalaga ng baybayin at yamang dagat katulad ng mga coral reefs at deep dwelling seagrass bed sa marine protected area ng Zambales.
Ang rescue at scuba diving training ay isinagawa noong May 31 sa bayan ng Botolan.
Samantala ang aktibidad ay sa pakikipagtulungan ng coastal and marine ecosystems management program, USAID Philippines at Sustainable Interventions for Bio-Diversity, Oceans and Landscapes o SIBOL.//Russell Banawa-BNFM IBA
Photo: DENR-PENRO
