Suspek sa Koronadal at Tacurong bombings, patay sa M’lang, Cotabato

Patay ang isang suspected bomber, na kasapi ng Dawlah Islamiyah maguindanao Group habang arestado naman ang kasamahan nito sa isinagawang focused operation ng pinagsanib na pwersa ng PNP region 12, North Cotabato PNP, 90th at 34th infantry battalions ng 6th infantry division ng Philippine Army khapon alas 5 ng umaga sa Purok 7, Brgy. Dunguan, M’lang, North Cotabato.

Kinilala ni Lt. Col. Rommel Mundala, Commanding Officer of 90th Infantry Battalion ang nasawi na suspek na si Monir Lintukan habang ang naarestong kasama nito ay si Randy Saro alias ‘Bobong’.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Sa naging panayam kay PNP North Cotabato Spokesperson PLT. COL Bernard Tayong, nasabing grupo ay itinuturong responsable sa bombing incident sa Parang, Maguindanao; Mlang at Aleosan North Cotabato at ang twin bombing incident na naganap sa Koronadal City at Tacurong City. “

Narecover naman ng mga otoridad ang isang (1) Cal 5.56mm M16 rifle, 1 long magazine ng M16 namay 41 rounds na bala ng Cal 5.56mm ball; isang bandolier at isang improvised explosive device.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Ayon kay Brigadier General Eduardo Gubat, 6th Infantry Division, Acting Commander ang pagkasawi ng hinihinalang bomber ng Dawlah Islamiyah ay isa sa nga hakbang ng AFP na masugpo na ang karahasan sa Mindanao.

Ang naturang operation ng PNP at AFP ay umabot sa ilang minutong engkwentro na naging resulta ng pagkamatay ni Monir at pagkahuli ng isa pa kung saan ang ibang mga kasamahan ng mga ito ay nakatakas.(BNFM KIDAPAWAN)
#