Tech4ED DIGICON 2024, matagumpay na naisagawa ng DICT-Calabarzon

Batangas City – Kamakailan lamang ay matagumpay na naisagawa ng DICT IV-A Calabarzon ang Tech4ED Digital Conference 2024 (DIGICON) sa Batangas Tourism and Cultural Affairs.

Sa pangunguna ni Regional Director of DICT Region IV-A (CALABARZON), Dir. Felix S. Tabanao, Jr., ay naisakatuparan ang nasabing aktibidad.

Kaugnay nito, nagsagawa naman ng open forum o kapihan ang center managers upang mapagdiskusyunan ang mga pangunahing problema sa center management.

Samantala, nasaksihan din ng mga dumalo ang naganap na launching ng 2024 Search for the Most Outstanding Tech4ED Centers in CALABARZON