Team Bagwis Catanduanes, handa nang sumabak sa Palarong Pambansa 2024

BNFM BICOL -Handa na ang dalawampu’t siyam na mga atleta mula sa Catanduanes na tumulak patungong Cebu City para sa Palarong Pambansa 2024 na magsisimula sa Hulyo 9 hanggang 16.

Binubuo ito ng mga atletang namayagpag noong Palarong Bicol sa mga palaro gaya ng Softball Elementary, Sepak Takraw, Basketball 3×3 Secondary, Dancesports Elementary, Athletics, Swimming Elementary, Gymnastics Secondary, at Para-Games Athletics.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Samantala, nagpahayag naman ng buong suporta ang gobernador ng lalawigan sa mga atletang Catadunganon kung saan nagpahiram pa ng bus para maging service ng kanilang delegation.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Para naman sa mga kasapi ng delegasyon, ang paglahok sa Palarong Pambansa ay hindi lamang umano pagkakataon upang ipakita ang kanilang kakayahan sa larangan ng sports, kundi mas lalo pang malinang ang kanilang disiplina at sportsmanship. #### Rumer Grant, Intern