Kumakalat sa social media na di umano’y hiring ng PNP ng mga K to 12 graduates, fake news – PNP

“Fake news” ayon sa Philippine National Police ang mga impormasyong kumakalat sa social media na di umano’y hiring ang PNP ng mga K to 12 graduates.

Nilinaw ng PNP na ang minimum educational requirement bago makapoasok sa kanilang hanay ay dapat Bachelor’s Degree holder, pumasa sa NAPOLCOM exam , anumang board exams o professional civil service exam.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Exempted naman dito ang mga nakakuha ng latin honors tuad ng Cumlaude, Magna Cumlaude at Summa Cumlaude.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Pinayuhan ng PNP ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri sa anumang nababasa online upang hindi maging biktima ng maling impormasyon.