Teachers, wala pang sapat na pahinga bago sumabak sa bagong school year – solon

Umapela ang ilang grupo ng mga paaralan sa bansa na ipagpaliban na muna ang 100% na face-to-face classes implementation sa bansa.

Para sa Federation of Associations of Private Schools & Administrators, kinakailangan na munang magkaroon ng matinding konsiderasyon ang Department of Educaiton hinggil dito.

Ayon sa pangulo ng grupo na si Eleazardo Kasilag, may mga private schools pa ring magpapatuloy ng blended learning.

Para naman sa Teachers Dignity Coalition, hindi sila pabor sa pagsisimula ng klase sa Agosto.

Giit ng grupo, wala pang sapat na pahinga ang mga guro para sumabak sa panibagong school year lalo na’t katatapos pa lamang ng mga activities sa nagdaang school calendar.
#

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Mambabatas, naniniwalang wala pang sapat na pahinga ang mga guro bago sumabak sa panibagong school year

Naniniwala si Alliance of Concerned Teachers o ACT party-list Rep. France Castro na hindi pa sapat ang pahinga ng mga guro na nakatakda na namang sumabak sa panibagong scool hear na magumpisa sa Agosto.

Ito ang tugon ni Castro matapos ilabas ng Department of Education school year 2022-23 calendar kung saan, ang enrollment ay lalarga sa July 25; habang ang pasukan naman ay sa August 25.

Sa pahayag, sinabi ng mambabatas na higit isang linggo na lang at magsisimula nang muli ang school-related works ng mga guro.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Paliwanag ni Castro, marami pa ring mga guro ang natambakan pa rin ng mga gawain at paperworks sa nagdaang school year.

Hindi rin umano binanggit sa Department Order ng DepEd kung bibigyan ba ng sapat na kompensasyon ang mga gurong papasok kahit na sila ay nagabakasyon pa dapat.

Giit nito, ayaw daw nilang mauwi sa ‘thank you’ na lang sasapitin ng mga guro, dahil kailangan itong mabayaran nang maayos lalo na kung mago-overtime sila para lamang maihabol ang mga kinakailangang paperworks dahil sa kakulangan ng oras ng preperasyon para sa bagong school year.
#