PAO Chief Acosta, nanindigang hindi maaaring ibalik ang pag-aaral sa Dengvaxia Vaccine

Hinamon ni Public Attorney’s Office chief Atty. Persida Rueda-Acosta ang infectious diseases expert na si Dr. Rontgene Solante na personal silang magkita para ilahad nito sa kanya ang higit sa isang daang mga bata na ‘di umano ay namatay dahil sa pagtuturok ng Dengvaxia vaccine.

Ito ang tugon ni Acosta matapos ang mungkahi ni Solante na muling magkaroon ng review sa kontrobersyal na bakuna dahil sa nagpapatuloy na pagtaas ng dengue cases sa bansa.

Ayon kay Acosta, hindi na raw dapat pang maulit pa ang sinapit noon ng mga bata sa ilalim ng Aqunio administration kung saan ay mayroong mga batang naapektuhan ng ‘di umano’y side effects ng bakunang ito.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Matatandaang si Acosta ang nagrepresenta sa mga magulang ng mga batang binaiwan ng buhay matapos umanong maturukan ng bakunang ito.

Sa ngayon, nananatiling naka-hold ang certificate of product registration ng Dengvaxia Vaccine sa bansa.


Ex Health chief Rep. Garin, nanindigang walang namatay sa Dengvaxia Vaccine

Pabor naman si dating Health secretary Janette Garin na muling magkaroon ng pag-aaral sa bakuna kontra dengue na Dengvaxia.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sa isang panayam, sinabi ng mambabatas na wala pa rin naman umanong napatunayang namamatay matapos maturukan nito.

Sa katunayan aniya, 23 mga bansa na ang guamgamit ng ganitong bakuna.

Paliwanag ng dating kalihim, walang dahilan para tuluyang i-revoke ang lisensya ng Dengvaxia sa bansa.

Sa kabila nito, nilinaw ni Garin na hindi naman niya inirerekumendang bumiling muli ang Gobyerno ng bakunang ito, kundi – dapat payagan ang private sector at iba pang mga gustong mag-avail nito na makakuha ng kanilang bakuna.
#