Teachers’ Dignity Coalition, pabor sa face-to-face classes sa Agosto

Inihayag ng Teachers’ Dignity Coalition na pabor sila sa face-to-face classes na inaasahang magbabalik sa Agosto ngayong taon.

Ayon sa kanilang chairperson na si Benjo Basas, mainam na umano itong bumalik katulad ng pagbubukas ng mga malls, basketball courts at maging noong nakaraang eleksyon.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Aniya marami ng mga estudyante ang nahihirapan sa limited learning kabilang na ang mga magulang at mga guro.

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Samantala, nauna ng inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang posibleng pagluluwag sa physical distancing sa mga eskwelahan na nasa ilalim ng Alert Level 1. (ARGIE ERGINA)