LTFRB, inanunsyo na magtatapos na ang Libreng sakay sa NCR sa susunod na buwan

Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magtatapos ang libreng sakay sa ilang public utility jeepneys (PUJs) at mga bus sa Metro Manila sa darating na Hulyo ngayong taon.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Base sa datos ng LTFRB, nasa 146 na PUJs ang hindi magbibigay ng naturang free rides sa katapusan ng Hunyo.

Matatandaang nagsimula ang nasabing proyekto sa ilalim ng service contracting program ng pamahalaan noong April 11, 2022.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Samantala, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na nasa P7 billion ang ibinigay na budget para dito base sa General Appropriations Act (GAA) of 2022. (ARGIE ERGINA)