Taxmapping sa mga establisyimento tuloy- tuloy na ngayong ginagawa ng BIR

CAMARINES NORTE- Tuloy- tuloy na ngayong ginagawa ng Bureau of Internal Revenue ang taxmapping sa iba’t- ibang business establishment dito sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa pag- iikot ng Brigada News, napag alamang maraming mga establisyimento na ang mayroong tax mapping sticker na nagpapatunay na nabisita na ng mga tauhan ng BIR.

Paliwanag ni Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon on going umano ngayon ang ginagawang tax mapping makaraang i- lift ang kautusan na nagsususpinde dito.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Matatandaang pansamantalang sinuspinde ang tax mapping sa kasagsagan ng COVID- 19 pandemic.

Bukod kasi sa maraming mga negosyo ang nagsara ay mahigpit din ang mga restrictions ipinapatupad ng gobyerno.

Sa tax mapping ay hinahanap ng BIR ang Certificate of Registration at tinitingan kung ito ay naka- display.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Tinitingnan din ang libro kung ito ay nasa establishment at inaalam kung nag iisyu ba ito ng resibo.

Babala ng BIR na may kaniya- kaniyang penalty ang paglabag sa mga pauntunang ito at maraming beses na umano nila itong naipaliwanag.