Fertilizer voucher at mahigit 500 piraso ng panananim na kalamansi ipinamahagi sa mga magsasaka ng Capalonga

CAMARINES NORTE – Namahagi ng fertilizer voucher at 526 na pirasong pananim na kalamansi ang lokal na Pamahalaan sa mga magsasakaya sa Capalonga, Camarines Norte noong Miyerkules, Spetember 14.

Ang pamamahagi ay pinangasiwaan ni Municipal Agriculturist – Dr. Hulsey V. Orit.

Bago ito ay nagkaroon muna ng orientation sa Municipal Agriculture Office tungkol sa ipapamahaging Fertilizer voucher para sa mga kmagsasaka na mula pa sa iba’t ibang barangay ng naturang  bayan.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Ayon sa LGU malaking tulong ito sa kabuhayan ng mga magsasaka.

Ito ay sa pakikipag ugnayan na rin ng MAO sa  Department of Agriculture para magbigay ng serbisyong pang agrikultura sa LGU.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Tiniyak din ng LGU na marami pang mga serbisyo, proyekto at programa na ihahatid sa mga constituents ng naturang bayan partikular sa sektor ng pagsasaka.

PHOTO: NEW LGU CAPALONGA