Medical frontliners napili para sumakay sa pagoda ngayong fluvial procession

NAGA CITY- Mga medical frontliners partikular na mga doktor at nurses ang pangunahing sasakay sa pagoda ni Inang Peñafrancia sa fluvial procession ngayong araw.

Ayon kay Fr. Pablo Carpio, Parish Priest ng Basilica Minore, buwis buhay ang mga nasa medical profession lalo na sa kasagsagan ng pandemya, nararapat lamang na sila ang bigyang prayoridad sa pagoda. Ang mga parokya ay nag sumite ng kanilang mag listahan pero ayon sa Philippine Coast Guard nasa 200 lamang ang capacity ng pagoda kaya limitado rin ang nakuha sa sakop ng Archdiocese ng Caceres.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Cpt. Benito Pejo ng 907 Squadron , Coast Guard Auxillary, nasa 400 na mga PCG organic at auxiliary ang kanilang ilalatag para sa seguridad sa tubig.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsagwan na nakainum, ang sakay naman ng bangka na convoy at hihila sa pagoda dumaan sa seminar.

Kahapon, pana’y ang inspeksyon ng PCG sa palibot ng Naga River.