Tax payers, kalakip sa AKAP program

KORONADAL CITY – IBINALIK sa mga tax payers ang pera sa pamamagitan sa “Ayuda sa Kapos ang Kita Program” o AKAP government initiative program. Ito ang inihayag ni South Cotabato 2nd District Congressman Peter Miguel sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Ayon kay Miguel, bago ang programang ito ni President Ferdinand Marcos, Jr. kung saan prinsipyo nito na matulungan yaong mga tax payers na kinukulang upang masagot din ang kanilang kinakailangan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Una nito, maraming reklamo kaugnay naman sa hindi pagkalakip ng mga ito sa naturang programa. Dagdag ni Miguel, matagal na umano ang pamamahagi sa mga ‘poorest of the poor’ ngunit ang mga nagbibigay ng buwis ay hindi nabibigyan ng tulong dahilan na ang programang ito ay binuo ng gobyerno. Samantala, target umano nito na maiparamdam sa mga tax payers ang programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng ayuda para sa mga ito.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu