CAMARINES SUR- Apektado ang hanapbuhay ng mga mangingisda at magsasaka sa Camarines Sur dahil sa malakas na habagat.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development Office (DSWD), nakatanggap na sila ng request mula sa opisina ni 4th District Representative Arnie Fuentebella, 2nd District Congressman LRay Villafuerte at Governor Luigi Villafuerte.
Kinumpirma rin sa Brigada News FM Naga ni DSWD-Bicol Disaster Response Management Division Chief Claudio Villareal, na bibigyan ng ayuda ang mga pamilyang nasira ang bahay sa bayan ng Sipocot dahil naman sa malalakas na paghampas ng alon partikular sa Barangay Binahian. Sa ulat ng DSWD at Office of the Civil Defense anim ang mga damage houses sa lugar.