Taunang Peñafrancia Festival, inaasahang mangyayari na muli ngayong taon

NAGA CITY-  Inaasahang mangyayari na muli ngayong 2022 ang taunang Peñafrancia Festival sa Naga; pinaka malaking religious event sa Bicol Region at biggest Marian Devotion sa Asya.

Sa pananatili ng Naga sa Alert Level 1 , naipagpapatuloy din ang maluwag na galaw sa lungsod. Halimbawa sa pag-aaral, transportasyon, pagnenegosyo , trabaho at turismo.

Ibinahagi ni City Events Protocol and Public Information Office (CEPPIO) Chief Allen Reondanga  na nagkaroon na sila ng inisyal ng inisyal na pag-uusap ni Mayor Son Legacion matapos ang halalan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nabanggit na sa pagdiriwang nang muli ang Peñafrancia Festival, mapapanatili nito ang pagkakabigkis sa kultura at pananampalataya. Binigyan diin din ang economic recovery.  Kailangan gastusan ang okasyon dahil tiyak na kakaunti ang mga magiging sponsors, pare-pareho rin kasing bumabangon sa krisis ngunit tiyak na mababawi ang gastos ng LGU sa pamamagitan ng buwis, nakikita rin kasing tataas ang tax collection.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Mababatid na daang libong mga deboto ang dumadalo sa Traslacion  at Fluvial Procession , isama pa rito ang mga non-religious events na Regional Military Parade at iba pang makukulay na aktibidad.

Upang mangyari ito tuloy ang paki-usap ng Health Emergency Response Task Force na magpabakuna at sumunod sa health protocols.